Responsive image

Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program

Kasama sina House Speaker Martin Romualdez, Congressman Zaldy Co, Congressman Jojo Garcia, Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) Secretary Jerry Acuzar, Mayor Omie Rivera, at Bokal JP Bautista upang siguraduhin ang maayos na pagtatayo sa 17 condo-type building project (4,300 housing units) sa Barangay Guitnang Bayan II, San Mateo, Rizal na bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng ating mahal na Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM).
Hindi din natin pinalagpas ang pagkakataon na maipaabot sa ating mga bisita ang ating plano at matagal ng kahilingan sa National Government na matulungan tayong magkaroon ng mga bagong tulay at daan sa Rizal na magpapabilis sa daloy ng trapiko. Madami man po tayong naipatayo gamit ang sarili nating pondo tulad ng mga tulay at mga bagong kalsada, kasama na ang mga road widening, hindi pa din ito sasapat dahil sa bilis ng progreso at pati na din ng paglago ng population (birth rate and migration rate) dahil madaming pinipili na dito manirahan sa ating lalawigan.
Ika nga, more new roads and bridges would mean easing of traffic, entice more investors, create more jobs and progress sa ating lalawigan at mga mamamayan.
Salamat sa ating mahal na PBBM, Speaker Romualdez at DHSUD sa maganda, disente at abot-kayang housing project para sa aming mga Rizalenyo.
Kaisa nyo po kami sa pagsulong ng Bagong Pilipinas!
#PabahayParasaLahatngPilipino
#DHSUD
#LalawiganngRizal