Responsive image

Pamamahagi ng Facemask

Patuloy sa paniniguro ng kaligtasan ng ating mga kababayan, namahagi muli ang Pamahalaang Panlalawigan ng karagdagang 615 libong pirasong face masks (gawa ng ating mga MSME's) sa mga bayan-bayan nitong ika-2 ng Hunyo, 2021. Kinatawan nina Bise Gob. Junrey San Juan M.D, Bokal Ato Bernardo, Ross Glenn Gongora, at Jun Cabitac si Gob. Ynares sa naturang aktibidad, pati sa panawagan ng mahigpit na pagsunod sa minimum health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).