Responsive image

CONGRATULATIONS, RIZALEÑOS!

Isang tagumpay at malayang halalan na naman po ang nairaos natin. Muli na naman kayong nakapili ng mga lingkod bayan na magsisilbi po sa inyo sa susunod na tatlong taon. Sila ay pinili ninyo ayon sa kanilang kakayahan at karanasan, anuman po ang kanilang Partido o Pangakong binitawan. Patunay ito na ang kinabukasan at kaunlaran ng Rizal ay nasa inyong mga kamay. Sa mga bagong halal natin sa bawat bayan ng Rizal, WELCOME to our TEAM of public servants. Binabati ko po kayo sa pagkakapili sa inyo ng mga kapwa nating Rizaleño. Dalangin ko po ang tagumpay ng ating magkakasamang paglilingkod sa kanila ... anumang kulay ng pulitika ang inyong dinala nitong nagdaang halalan. Sa mga kasamahan natin na hindi nagwagi sa nakaraang eleksyon, tanggapin po ninyo ang aming pasasalamat sa pakikiisa at tulong ninyo sa ating lalawigan nitong mga nagdaang panahon. Hangad po namin na tayong lahat ay patuloy na maging bahagi ng pagtupad sa pangarap ng ating mga kalalawigan kahit tayo ay na sa pribadong sektor na simula June 30, 2022. Governor Nini Ynares"