Responsive image

115 MW SOLAR POWER PLANT ININSPEKSYON

Ininspeksyon ni Gov. Nini Ynares ang 115 MW Solar Power Plant na itinatayo sa Brgy. Pinugay na isa sa pinakamalaking solar farm sa Pilipinas. Sa sukat na 130 ektarya, tinatayang nasa 45,000 kabahayan ang makikinabang sa malinis at murang kuryente na hatid ng renewable energy project na ito. Bukod pa rito, ang solar plant ay environment-friendly na adhikain ng YES Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal. Ang Solar Farm na ito ay makapagbibigay din ng trabaho at siguradong magiging tourist attraction na naman ng lalawigan tulad nalang ng itinatag nating Wind Farm (wind mills) sa bayan ng Pililla. Sa pagtutulungan ng Rizal Provincial Government, Baras Municipal Govt at PH Renewables, Inc. (Global Business Power), maisasakatuparan ang project na ito sa September. Kasama ni Gov. Ynares sa ginawang inspeksyon sina Baras Mayor Robles, Mrs Amanda Bengzon at Mr. Vivek Parmar ng Meralco PowerGen, at iba pa.
#YESProgram
#RenewableEnergyProject