Responsive image

125th Araw ng Kalayaan

KALAYAAN, KINABUKASAN AT KASAYSAYAN

Sa ating paggunita sa ika-125 na Araw ng Kalayaan, sinamahan tayo nila Former Governor Ito Ynares, Vice Governor Junrey San Juan, mga Bokal, at mga Department Heads ng Rizal Provincial Government sa pagaalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal. Sa araw na ito, ating higit na binibigyang pugay at inaalala ang mga bayani na lumaban para sa ating natatamasang kalayaan. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” Kaya naman ating isa-puso ang diwa ng araw na ito at huwag makakalimot sa mga nagsakripisyo at nagbigay ng kanilang buhay para sa Malayang Pilipinas. Isang Maligayang Araw ng Kalayaan po sa ating lahat! #125thArawNgKalayaan