Umuulan… umuulan ng cash incentives
Hindi napigil ng ulan ang pagbuhos ng biyaya para sa ating mga magigiting na atleta na nagpakitang-gilas sa RAAM at Palarong Pambansa!
At dahil itinaas nila ang bandera ng lalawigan, itinaas din natin ang suporta! Ngayong taon, umabot sa ₱12 million ang ipinamahagi nating cash incentives bilang pagkilala sa kanilang tagumpay
Kasabay ng pag-alala natin sa ating mga bayani ngayong Araw ng Kalayaan, kinikilala rin natin ang ating mga atleta bilang modernong bayani na nagsisilbing modelo ng sipag, dedikasyon, at inspirasyon para sa mga Rizalenyo.
Congratulations and thank you, our dear student-athletes!
#LalawiganNgRizal