Responsive image

Pagdiriwang ng Ika-123 Araw ng Kalayaan

Nag alay ng bulaklak si Rizal Gob. Ynares sa bantayog ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal sa isang simple at makabuluhang pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan. Dumalo sa pagtitipon ang mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan. Sa kanyang mensahe, nanawagan ang butihing Gobernador ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa upang tayo ay makalaya sa mga salot sa lipunan lalo na sa panahon ng pandemya. Ang tema ng selebrasyon ay, "Kalayaan 2021: Diwa sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan".