Responsive image

LALAWIGAN NG RIZAL, MAY SARILING COLD STORAGE FACILITY NA!

Ang walk-in cold storage na ito ay isa sa tatlong cold storages sa buong CALABARZON. Lalong makakapagpabuti at makakapagpabilis ito ng ating vaccination process dahil ngayon ay mayroon na tayong paglalagyan ng iba't-ibang klase ng bakuna na kakailanganin ng lalawigan may pandemya man o wala. Kasama sa installation ang Generator Set na magsisilbing back-up ng walk-in cold storage upang masigurado na walang masirang bakuna at hindi masayang ang pondo ng taumbayan kung sakaling magkaroon ng power outage. Sa laki nitong 40 cubic meters at estimated net storage capacity na 10,000 liters worth ng vaccines, makatitiyak tayo na mas maraming Rizaleño at mamamayan ng mga karatig lalawigan ang ating mapagseserbisyuhan.
#RizalAgainstCOVID19