Bilang selebrasyon ng ika-122nd Araw ng Lalawigan ng Rizal, nagsagawa ng malawakang clean-up drive at tree planting activities ang mga kawani ng ating pamahalaan at mga volunteers sa buong lalawigan ng Rizal. Sama-sama ang mga kawani mula sa Rizal Provincial Capitol, mga kinatawan ng LGU, PNP, BFP, Coast Guard, mga kabataan, mga boluntaryo, at iba pang ahensya ng ating pamahalaan na nagtulong-tulong upang magsagawa ng province-wide simultaneous clean-up drive at tree planting activity sa araw ng lalawigan. Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 4000 seedling/sapling ang naitanim all over the province during tree planting activity. Ang mga nabanggit na eco-activities na ginanap ay kaisa sa simulain ng Pamahalaang Panlalawigan sa YES to Green program at Oplan BUSILAK (Buhayin Sapa, Ilog, Lawa, At Karagatan) kung saan ito ay akma para sa pagdiriwang ng araw ng lalawigan ngayong taon na may temang: Rizal: Maunlad na Lalawigan, Marangal na Mamamayan, Malinis na Kapaligiran. Naging maayos at matagumpay na natapos ang mga nasabing aktibidad kung saan naipakita ang isang halimbawa ng pagmamahal sa kapaligiran, at pangangalaga sa ating inang kalikasan na malaki ang naitutulong sa ating lalawigan.