GOOD for the environment, SUSTAINABLE at RENEWABLE
Kung matatandaan, itinayo nung panahon ni dating Governor Jun Ynares ang unang mga wind mills sa bayan ng Pililia. Kasama sa plano ang pagtatayo ng mas marami at mas malalaking wind mills na aabot hanggang sa bayan ng Tanay. Dahil hindi biro ang Project, matagal ang iginugugol para sa pagpaplano nito. Madaming eksperto ang kinunsulta at dumaan sa butas ng karayom bago aprubahan ng Pamahalaang Nasyonal. At kahapon, nag attend tayo ng groundbreaking ceremony ng bagong itatayong 112 MegaWatts Tanay Wind Power Project sa Brgy. San Andres at Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal na inaasahang matatapos by December 2025.
With this state of the art wind turbines na magsu-supply ng sustainable at eco-friendly energy sa ating lalawigan, kalapit probinsya at greater Manila Area, makakaasa tayo sa mga napakagandang epekto sa kabuhayan at turismo gaya na lang din ng positibong impact ng nauna nating 54 MW Pililla Wind farm project.
Ngayong kinakapos ang bansa sa energy supply, madalas tayong nakakaranas ng red alert o yellow alert at pagminalas-malas ay brown outs pa. Ang project na ito ay makatutulong din makabawas sa brown outs simula sa taong 2026.
Salamat sa mga partners tulad ng Alternergy Tanay Wind Corporation (ATWC), Tanay LGU, NCIP, NGCP, DOE, DENR, atbp sa environmental-friendly project na ito.
Excited na ba kayo makita ang bago at mas malalaking electric fans sa Magandang Tanay, Hane?
#TanayWindPowerProject
#RenewableEnergy
#SustainableTourism
#LalawiganngRizal