Namahagi ng 169 desktop computers ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Rizal Gob. Rebecca Ynares sa iba’t ibang pampublikong paaralang elementarya na may internet connection sa lalawigan. Malaking tulong ito sa patuloy na pagsusulong ng dekalidad na edukasyon na ngayon ay nahaharap sa hamong hatid ng blended learning sanhi ng pandemya. Si Vice Gob. Junrey San Juan kasama ang ilang Bokal at mga pinuno ng DepEd-Rizal sa pangunguna ni SDS Repia ang namahagi ng mga desktop computers na nagkakahalaga ng halos P6 milyon mula sa pondo ng lalawigan.