Responsive image

Ibayong pag-iingay sa sunog

Muling nanawagan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Gob. Rebecca Ynares sa lahat ng mamamayan nang ibayong pag-iingat upang makaiwas sa mapaminsalang sunog na kamakailan lang ay tumupok sa mga bahay at ari-arian ng may 158 pamilya sa Alley 17 West Floodway, Barangay San Andres, Cainta, Rizal. Ang pamahalaang panlalawigan kasama sina Vice Gob. Junrey San Juan at Bokal Ross Glenn Gongora ay namahagi ng mga food packs, hygiene kits at water containers sa mga pamilyang nasunugan. Magkakaloob din ng pinansyal na tulong ang probinsya sa mga susunod na araw.