Nung unang araw ng pasukan dito sa lalawigan, kasama natin ang malapit nating kaibigan, former Senator at ngayon ay Dep Ed Secretary na si Hon. Sonny Angara na bumisita sa Dep Ed Rizal at sa Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School sa Taytay. Masaya niyang nakita kung paano natin ipinagpapatuloy ang pagkakaroon ng equal access sa inclusive education para sa lahat โ lalo na para sa learners with special education needs.
Napag usapan din namin ang mga kailangan para sa ating SPED program tulad ng braille, intervention and sensory materials, clinics, karagdagang teachers for SPED, specialists o therapists na mag-aassess ng special needs ng ating mga mag-aaral, atbp. Syempre, napag usapan din ang kagustuhan namin na mataasan ang sahod ng ating mga guro kasama na din ang maipaabot ang mga pagkilala at benefits na natatanggap ng mga public school teachers sa private school teachers. Mapa public o private, pare-pareho lang naman silang tinuturing na pangalawang magulang ng ating mga anak. Magiging malaking tulong ito both for our teachers and students in realizing their fullest potential, sa tulong ng efforts ng mga magulang at kasamahan.
Maraming salamat, Secretary Sonny Angara! Tulad ng inyong ama na si Sen. Edgardo 'Edong" Angara, kasama nina Former governor ito Ynares and Cong Bibit Duavit, mananatiling tunay na number one priority ang edukasyon dito sa aming lalawigan ... para sa isang bansang ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข, at batang ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข!
#MATATAG
#WelcomeSchoolYear20242025
#DepEdPhilippines
#LalawiganNgRizal