Sa gitna ng kalamidad na kinakaharap natin ngayon matapos ang Bagyong Carina, nagkaroon tayo ng pagkakataong makausap ang ating Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang pagbisita sa Lalawigan ng Rizal.
Kasama ang ating mga LGUs, key cabinet secretaries from DPWH, DSWD, DOTr, DILG, DOH, at OCD, tinalakay natin ang kalagayan ng mga bayang lubhang naapektuhan, mga nasirang ari-arian, kabuhayan, daanan at infrastructures. Ipinaalam din natin ang sitwasyon ng mga komunidad na nawalan ng access sa essential services.
Inulit natin ang ating hiling na kung maaari ay magtayo ng dam reservoir sa Wawa Dam na makakatulong laban sa pagbaha, at mas effective na flood control system, lalo na sa mga bayang napaliligiran ng Marikina River at Laguna Lake na nalulubog sa pagbaha. Napag-usapan din ang proposal nating Talim Island Bridge, na hindi lang magbibigay ng greater accessibility kundi para na rin sa kaligtasan ng ating mga residente lalo na sa panahon ng kalamidad.
Maraming salamat po sa ating mahal na Pangulo sa inyong walang-sawang pagtulong sa aming mga Rizalenyo.
#CarinaPH
#LalawiganNgRizal