Responsive image

Mga Rizal Mobile Kitchen, umarangkada para magbigay ng ayuda

Pinapunta agad ni Gob Nini Ynares ang mga Mobile Kitchen Trucks sa iba't-ibang bayan sa Rizal na binaha. Inunang mamahagi ng mga food packs sa halos 1,000 pamilya o halos 5,000 indibidwal sa mga bayan ng Montalban at San Mateo. Sinaksihan nina Vice Gob. San Juan, Bokal Ayuson at barangay officials ang pamamahagi sa mga evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa anim na evacuation centers para personal na masiguro na ang lahat ng kanilang pangangailangan ay matugunan ng pamahalaan..