Walang-tigil na ulan at hangin ang naranasan natin nitong nakaraan dala ng habagat at bagyong Carina at ngayon, tayo naman ang hindi titigil sa pag-iikot at pagdadala ng relief goods sa ating evacuation centers.
Pinuntahan naman natin ngayon ang mga kalalawigan nating lumikas at nasalanta mula sa mga bayan ng Cainta, Taytay, San Mateo at Montalban para maghatid ng tulong at i-check ang kanilang kalagayan sa ngayon.
Pinadeploy din natin ang ating mga Mobile Kitchen sa mga evacuation center para makapagbigay ng hot meals. Gayon din ang ating Mobile Shower at water purifier para naman sa malinis na tubig na inumin ng mga evacuees.
Hanggang sa mga susunod na araw po ay magpapatuloy ang pag-aabot natin ng tulong. Nananatili rin pong bukas ang ating tanggapan para magbigay ng assistance sa mga kababayan nating nangangailangan.