Kahit maulan pa, nagsimula na po tayo magpadala ng relief at food packs pati hygiene kits para sa ating mga kalalawigan na nasa evacuation centers sa iba't-ibang bayan sa Rizal.
Ipinag utos natin sa ating Provincial Disaster Response team at local municipal counterparts na tiyakin na maayos at ligtas ang kalagayan ng bawat isa. Pati mga alagang aso at pusa ay hindi pwedeng pabayaan. Kabilin-bilinan natin na wala dapat maiiwan.