Responsive image

Nakiramay sa mga nasunugan

Mabilis na tumugon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Gob. Nini Ynares na namahagi ng food packs, hygiene kits, atbp. sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay Muzon, Taytay, Rizal na pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng baranggay. Mamimigay din ng tulong-pinansyal ang pamahalaang panlalawigan sa susunod na mga araw. Naki-isa sa pamamahagi ng tulong si GSIS Board Trustee Nina Ynares kasama si Vice Gob. San Juan, Bokal Cabitac, Kap. Santos at mga kagawad ng barangay.