Responsive image

Pag-alala at Pagbibigay Dangal kay Dr. Reynaldo San Juan, Sr.

Isang araw ng pag-alala at pagbibigay dangal ang inialay natin para sa ama ni Vice Governor Junrey San Juan, Jr., ang ating yumaong dating Punong Lalawigan, Dr. Reynaldo San Juan, Sr.
Naging taos-puso ang pakikiisa at pagsuporta ng mga pamilya, mga kaibigan, at mga kapwa natin lingkod-bayan na dumalo sa ating inihandog na Luksang Parangal bilang pagkilala at pasasalamat sa kanyang naging dedikasyon sa serbisyo para sa ating lalawigan. Sa pamamagitan din ito ng Resolution No. 415, s. 2024 ng ating Sangguniang Panlalawigan bilang pakikiramay sa pamilya San Juan.
You will surely be missed, Gov. Reynaldo San Juan, Sr. Hindi kailanman malilimutan at mananatiling buhay sa amin ang mahalaga at magandang legacy na iyong iniwan para sa lahat ng mga Rizalenyo.
#LalawiganNgRizal