Responsive image

URS ANTIPOLO GRADUATE SCHOOL BUILDING PINASINAYAAN

Pangunahing pandangal si Gob. Nina Ricci Ynares sa pagpapasinaya ng bagong URS Antipolo Campus Graduate School Building na ipinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal. Ang pagpapasinaya sa bagong gusali ay kaalinsabay sa 22nd Foundation celebration ng URS Antipolo Campus. Paghahanda rin ito sa pagbubukas ng face-to-face classes upang masiguro na may malinis, ligtas at sapat na classroom ang ating mga mag-aaral na ayon sa school safety protocols ng DepEd. Kasama ni Gob. Ynares si Councilor LJ Sumulong at mga opisyales ng URS sa isinagawang ribbon cutting.
#RizalInfraProjects