Di biro ang mawalan ng tahanan at ari-arian sa isang iglap lang ng dahil sa sunog. Dagdag pa sa isipin kung saan kukuha ng makakain, pang-ligo, damit at pansamantalang matitirahan.
Agaran nating ipinadala ang hygiene kits at food packs para sa 46 families na naging biktima ng sunog sa Brgy. Darangan, Binangonan. Isusunod natin agad ang financial assistance para kahit papaano ay makatulong sa kanilang pagsisimula. Mahirap pero may awa ang Diyos. Narito din tayo hanggang sa sila ay makabangong mula sa trahedyang ito.
#LalawiganNgRizal