Responsive image

Tuloy ang laban kontra COVID

Nagbigay ng ayudang Isang (1) Milyon Piso ang GSIS sa Lalawigan ng Rizal bilang tugon sa panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte na magtulong-tulong laban sa COVID-19. Kabilang ang Rizal sa mga napiling maging benepisaryo ng programang "Adopt a COVID Ligtas Center" ng GSIS. Ang seremonya ay pinangunahan ni GSIS Board Trustee Nina Ynares, NCR III Manager Mr. Noel Alvarez, at ibang opisyal na lokal na pamahalaan.