Responsive image

Land Titles for 96 HOA Member

Ilan taon na ang nakakaraan, lumapit sa Kapitolyo ang ilan sa ating mga kalalawigan tungkol sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan sa Zone 2 Purok 8 sa Mahabang Parang, Angono. Naikwento nila ang kanilang pangamba dahil sa papalapit na pagsubasta ng Pamahalaang Panlalawigan sa lupang kanilang tinitirahan dahil sa hindi pagbabayad ng buwis (amelyar) ng tunay na may-ari nito sa loob ng ilang dekada.
Fast forward to 2023, nai-abot na natin ang titulo ng lupa sa 96 HOA Members na nagtiwala sa ating programa at ngayon ay sasalubungin ang 2024 na may sariling mga lupa at titulong pinanghahawakan. Sa ating 96 land title holders mula sa Mahabang Parang, sana po ay maging mas masaya ang pag pasok ng bagong taon.
Congratulations po sa inyong lahat!
#TaasNooRizalenyo