Kasama ang kapatid ni Cong Jack Duavit na si Judith, surprise visit muna kami sa mga minamahal nating URS Giants at nursing students sa URS Taytay campus.
Like always, kita ang dedikasyon nila sa kanilang skills lab at mga klase upang mahubog sila bilang ating mahuhusay na future nurses.
But wait, there's more! Napag-usapan din namin ang isa pang surprise para naman sa ating aspiring doctors at medical practitioners ... Ang pagtatayo ng science building kung saan mag aalok tayo soon ng kurso ng Medisina para makapag produce tayo ng mga magagaling na doctors nang hindi kinakailangan gumastos ng napaka laking halaga ... dahil sa Rizal, hindi hadlang ang kahirapan para makamit ng mga kabataan ang kanilang mga pangarap sa buhay.
#TaasNooRizalenyo
#LalawiganNgRizal