Responsive image

SUPORTA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Binigyan ng mga insentibo ni Gob. Nina Ricci Ynares ang tinaguriang Boy Wonder ng Antipolo na si Albert James (AJ) Manas, isang 15-year old na billiards player na tumalo kay “The Magician” Efren “Bata” Reyes noong MassKara Billiards Tournament last October 2022. Bilang suporta sa kanyang pangarap na maging miyembro ng National Team at malibot ang mundo at makatulong sa kanyang pamilya, binigyan si AJ ng cash incentive ng Pamahalaang Panlalawigan, gayundin ang pangakong gagawin siyang iskolar pagtuntong niya sa college. Good luck sa iyo AJ at laging narito kami para sumuporta!
#TaasNooRizalenyo