Responsive image

SERBISYO SA RIZALEÑO

MGA BAKA AT KALABAW SUMAILALIM SA DEWORMING AT VITAMIN INJECTION – Patuloy ang pagtulong ni Rizal Gob. Nini Ynares sa mga magsasaka sa lalawigan para magkaroon sila ng mas maayos na hanapbuhay kaya tuluy-tuloy ang isinasagawang deworming at vitamin injection sa mga baka at kalabaw tulad sa sitio Pulong Ligaya at Sambangan, Brgy. Bagumbong, Jalajala, Rizal kamakailan. Sa tulong ng mga tauhan ng Provincial Veterinary ay natulungan ang mga magsasaka na may alagang baka at kalabaw ng mga serbisyong ito. Layunin ng deworming o pagpupurga at ng pagtuturok ng bitamina sa mga alagang hayop (ruminants) ay para maiwasan ang mga bulate, maging maganda ang kalusugan ng mga hayop at ng makapagbigay ang mga ito ng mas marami at mataas na produkto ng gatas (para sa baka) at mas malakas na resistensya laban sa sakit.