Responsive image

New Tanay Dialysis Center

Ang hirap magkasakit. Hindi ka makapag hanapbuhay, ubos pa naipon mo. Tulad nalang ng mga dina-dialysis. Kahit mayaman, umaaray sa gastusin.
Buti nalang at nadagdagan na naman ang mga libreng gamutan dito sa atin. Kamakailan lang ay nagbukas ang Tanay Dialysis Center sa ating bagong ospital (RPHS Tanay Annex) .
Salamat kina Mayor Lito Tanjuatco, Vice Mayor RM Tanjuatco, Sangguniang Bayan ng Tanay, kasama ang Prime Dialysis Center, Inc. at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa pagtutulungan para sa tagumpay ng programang ito.
Asahan na bukod sa mga dialysis centers sa Tanay, Taytay, Binangonan, Antipolo at Montalban Provincial Hospitals, tuloy-tuloy ang pagbubukas natin ng mga karagdagang centers tulad nito para makapagbigay ng dekalidad at abot-kamay na serbisyo para sa mga Rizalenyo.
#TaasNooRizalenyo
#LalawiganNgRizal