Pinangunahan ni Rizal Gob. Nina Ricci Ynares ang conduct ng Orientation on Disaster Preparedness Manual for Localized Weather Disturbances (LWDs) para ma-improve ang capacity ng mga LGUs sa Rizal at mapabilis ang hazard monitoring, disaster preparedness at response. Ang orientation ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ni DILG Calabarzon Regional Director Ariel Iglesia at DILG Rizal Provincial Director Allan Benitez na nagbahagi rin ng kaalaman hinggil sa impact at importance ng tamang paghahanda para sa Local Weather Disturbances lalo’t pagdating sa buhay, hanapbuhay at kinabukasan ng mga mamamayan!
#RizalenyoAlisto