Responsive image

PARA SA MAS MAPAYAPANG RIZAL

Mga bagong Mobile Patrol Units, ipinamahagi ng Pamahalaang Lalawigan ng Rizal sa lungsod ng Antipolo at bawat munisipyo, sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Nini Ynares. Naroon ang 14 na Local Chief Executives, mga hepe, kasama si Rizal Police Provincial Director PCOL Dominic Baccay, upang tanggapin ang mga nasabing patrol units. Bukod sa pasasalamat ay siniguro din ng bawat lokal na pamahalaan na mas pag-iibayuhin pa ang pangangalaga sa seguridad ng kanilang nasasakupan. Bilang pagsuporta ay dumalo rin sa turnover ceremony sina Vice Gov. Junrey San Juan, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at mga opisyales ng Rizal Provincial Government.
#YEStoPeaceandOrder
#RizalPNP