Responsive image

125th Rizal Day

Nag-alay ng bulaklak sa bantayog ng Pambansang Bayani Dr. Jose P. Rizal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Gob. Rebecca Ynares, sa paggunita ng ika-125 anibersaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal. Ang simple at makabuluhang seremonya ay nagpapaalala nang buhay at nag-aalab na ispirito ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok. Dumalo rin sa seremonya si Vice Gob Junrey San Juan, mga Bokal, mga Department Heads at empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal.