Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Governor Nina Ricci A. Ynares ay taos pusong nakiramay sa mga naiwang pamilya ng ating mga katutubong Dumagat na biktima ng flashflood sa Barangay Sta. Ines, Tanay, Rizal noong ika-10 ng Disymebre 2022. Personal na bumisita at nakiramay si Governor Nina Ynares at ayon sa kanya ay kitang kita nya ang bakas ng lungkot ng bawat pamilya ng mga nasawi kaya naman patuloy natin silang ipagdasal para sa kanilang kapayapaan.