Responsive image

YES Tree Planting umarangkada ulit

YES TREE PLANTING UMARANGKADA MULI - Umarangkada muli ang YES Tree Planting Program ni Gob. Rebecca Ynares sa lalawigan ng Rizal sa ginanap na City Wide Bamboo Tree Planting sa Hinulugang Taktak, Antipolo City ngayong araw. Pansamantala mang pinahinto ang malawakang tree planting sa probinsya dahil sa pandemya, siniguro ng Gobernadora na magpapatuloy ito habang ipinatutupad pa rin ang mga minimum health protocols para sa kaligtasan ng lahat. Nakiisa sa pagtatanim ng 2,000 bamboo trees sina Vice Gob. Junrey San Juan, Vice-Mayor Pining Gatlabayan, ang miyembro ng City Council at mga mamamayan. Sa mga susunod na araw ay sa ibang bayan naman ng lalawigan magsasagawa ng sama-samang pagtatanim bilang pagpapahalaga at proteksyon sa Inang Kalikasan.
#YESProgram
#YnaresEcoSystem
#greenplanet
#motherearth