Binisita natin ang 339 individuals na naapektuhan ng sunog sa Brgy. Tagpos sa Binangonan. Agarang nagdistribute ng paunang hygiene kits at food packs upang mapunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan habang inaalam pa ang kanilang mga ibang pangangailangan. Inihahanda na din ang tulong pinansyal para sa kanilang pagsisimula muli.
Bagamat mabigat ang kanilang pinagdadaanan, ramdam namin ang nag uumapaw na pag-asa at katatagan ng bawat isa.
Nakakalungkot man at papatapos na ang taon nang nangyari ang insidente, pero masaya na din dahil kita natin ang spirito ng bayanihan. Sama-sama po tayong magsisimulang muli sa pagpasok ng bagong taon.