Responsive image

YES Christmas Tree 2025 Montalban

Montalban just turned into 𝐁π₯π¨π¨π¦π“πšπ₯π›πšπ§ this Christmas season!

Sa pagliwanag ng mala-pulang rosas na Christmas Tree ng Montalban, nasilayan natin ang hiwaga ng KaLIKHAsan: The Enchanted Forest Christmas Tree, ang Fantasia Flora masterpiece na sumasalamin sa kultura, kasaysayan, at alamat ng bayan, kabilang ang tapang at pagmamahal ng mga katutubong Dumagat sa kalikasan.

Napuno ito ng full-bloom flowers na gawa mula sa recycled plastics at onion sacks at ang bawat disenyo na nakapalibot sa facade ng munisipyo, ay nagmistulang buhay na gubat at alamatβ€”lahat gawa sa upcycled material tulad ng payong, tarpaulin at plastic bottles, makikita ang ugnayan ng mga MontalbeΓ±o sa kalikasan.

Nakakaproud dahil bawat YES Giant Christmas Tree ay hindi lamang dekorasyon, ito ay kwento, inspirasyon, at pag-asa ng bawat Rizalenyo. Dito makikita kung paano ang YES to Green initiative na sinimulan taon na ang nakalipas ay nagsilbing huwaran para sa iba. Ito ang diwa ng Pasko sa Rizal: pagbibigayan, pagmamahalan, at pangangalaga sa ating kalikasan.

β€œπ—¦π—”π—‘β€¦ 𝗑𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗒” π—»π—²π˜…π˜? Final YES Giant Christmas Tree on the way!

#YESGiantChristmasTree2025
#TatakPaskongRizalenyo
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo