
Gaya ng makulay na SumBingTik Festival, simula na rin ng makulay na pasko sa Cainta matapos mailawan ang kanilang YES Recycled Giant Christmas Tree.
ONE of a kind ang Christmas Tree nila rito dahil gawa ito sa recycled PET bottles, coconut shells, at iba pang scrap materials. Swak na swak sa festive feels, dahil ang design ay hango sa makulay na SumBingTik Festival! Kasama pa ang belen na nilikha mula sa bottle caps at upcycled decor. Talagang ramdam mo ang pagkamalikhain at malasakit sa kalikasan habang nagliliwanag ang buong display.
Sa Cainta, ang Pasko ay hindi lang makulay, environment-friendly pa. Isang paalala na kung kaya nating gawing mas masarap ang bibingka mula sa simpleng sangkap, kaya rin nating gawing mas masaya ang Pasko mula sa mga simpleng materyales.
Abangan kung saan naman ang ating next destination…
#YesGiantChristmasTree2025
#TatakPaskongRizalenyo
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo