
Bangganda naman ng YES Recycled Giant Christmas Tree ng Baras!
Ang "Tanglaw ng Kalikasan at Pagkakaisa" ay tatak ng hindi matatawarang pagkamalikhain ng mga Barasenyo. Sa mga tao sa likod nito, may taos-pusong suporta sa YES Program para pangalagaan ang kalikasan, na pinagtitibay pa ng kanilang Save Baras River Program.
Ang simpleng bao ng niyog, PET bottles na ginawang bulaklak, tinabas na karton, hanggang sa mga lumang parol, lahat 'yan ay na-upcycle para ipagdiwang ang Kanyang kapanganakan sa eco-friendly na paraan.
At siyempre, congratulations po sa inyong bagong Solid Waste Recycling Truck! Laking tulong nito para ilapit sa lahat ang tamang paraan ng pagrerecycle at pagsasaayos ng basura.
Higit sa oras at pagod (pati na rin buhos ng ulan), ang kanilang one-of-a-kind na YES Christmas Tree ay tanglaw ng tungkulin nating magtulungan sa kinabukasan ng Inang Kalikasan. Together, Barasenyos are upping the Christmas spirit x99!
#YESGiantChristmasTree2025
#TatakPaskongRizalenyo
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo