Mahigit dalawang libong (2,000) kababayan natin ang sumalubong sa Brgy. San Isidro, Montalban sa pagpapatuloy ng pamamahagi ng food packs at relief goods para sa mga kalalawigan natin na naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Grateful tayo na ngayon ay nakasama natin na naman si Senator Bong Revilla (ang swerte ng Rizal dahil nasa atin ang Agimat at ang Panday), katuwang din natin sina AGIMAT Partylist, Montalban Mayor Ronnie Evangelista at former Mayor Tom Hernandez upang maabutan ng tulong ang lahat.
Mahirap man ang pinagdaraanan natin ngayon dulot ng nakaraang bagyo, makakaasa po ang bawat isa sa patuloy na suporta at pagtutulungan tungo sa pagbangon nating lahat.
Thank you po muli sa #TeamRevilla at sa AGIMAT Partylist! May bagyo man o wala, ramdam ng mga Rizalenyo ang inyo pong suporta.
#LalawiganNgRizal
#RizalReliefOperations
#TeamRevilla
#AGIMATPartylist
#BayanihanRelief