Nakiisa at sinuportahan ni Rizal Gob. Nina Ricci Ynares and launching ng "Kalinisan at Luntian sa Kapaligiran: Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon Aanihin, ang programa ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan sa pangunguna ni Mayor Cesar Ynares, at ng Municipal Argicultural Office.
Bilang suporta sa YES Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, layon ng programa ang pagsusulong ng pagtatanim ng mga masusustansyang pagkain upang magkaroon ng food security ang mga Rizalenyo at ang pangangalaga at pagpapaganda sa kapaligiran.
Bukod sa sagot sa food shortage, itinuturing na mabisang paraan din ang pagtatanim upang makapagbigay ng kabuhayan sa ating mga kababayan, kung saan ang kanilang mga itinanim at aanihin ay maaari nilang kainin o kaya naman ay ibenta para maging kabuhayan. Matatandaang ang lalawigan sa pamamagitan ng YES Program ay isinulong din ang matagumpay na Community Gardens na layong hikayatin ang lahat ng barangay sa probinsya na magtanin sa mga bakuran o saan mang open spaces. Sa mismong Kapitolyo ay may Community Gardens na pinakikinabangan na ng mga empleyado ang gulay at prutas na ani nito.
#YEStoGreenRizal
#MagtanimRizaleño
#FoodSecurity
#NDRM
#YESProgram