Responsive image

Pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)

Nakasama nating muli si Sen. Bong Go sa Tanay upang magbigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Umabot sa 1,500 individuals ang nabigyan ng financial assistance na umabot sa P4.5M. Bakas sa kanila ang tuwa dahil kahit na mainit ang panahon, may halong tawanan at hiyawan pa rin sa Tanay Gym dahil bukod sa pagbibigay ng tulong pinansiyal ay may halong kwento, biruan at pa-raffle pa si Sen. Bong Go kasama si Kuya Ipe Salvador para sa mga Tanayans. Game ding nakisama sa pag-distribute natin ng financial assistance sina Vice Gov San Juan, Mayor Lito and Vice Mayor RM Tanjuatco, Bokal Robles at Bernados. Taos-pusong pasasalamat po, Sen. Bong Go dahil hindi po kayo nagsasawa sa pagtulong sa amin dito sa Rizal. Hindi pa man namin sabihin, lagi na agad nauuna ang inyong initiative to help. Saludo po kami sa inyong malasakit!