Responsive image

Mobile Tablets handa nang ipamahagi

Libu-libong mga mobile tablets ang binili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, sa pamumuno ni Gob. Nina Ricci Ynares, at nakatakdang ipamigay sa mga grade 12 students ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan. Dahil na rin sa pandemic at sa hiling ng DepEd na mabigyan ang mga grade 11 students nang nakaraang taon, tumugon agad ang pamahalaang lalawigan, subalit kulang pa noon ang pondo dahil kailangang unahin ang pagtugon sa COVID19. Ngayong may sapat na pondo ay agarang tinupad ang pangakong ito na mabigyan ang mga hindi pa nabibigyang grade 11 student noon na ngayon ay nasa grade 12 na. Kaya sa mga darating na araw ay idi-distribute na sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ang mga tablets na ito. Hangad natin na makatulong ang mga gamit pang-eskwelang ito sa ating mga mag-aaral para sa kanilang e-learning sa probinsya.
#TabletSerye


 
z