Responsive image

BISIKLETA IGLESIA INILUNSAD NG PNP PARA SA SEMANA SANTA

Sa pangunguna ng Philippine National Police, inilunsad nito ang Bisikleta Iglesia Patrol kung saan makikitang sakay ng bisikleta ang mga kapulisan; on the go para umalalay sa mga tao sa panahon ng Bisita Iglesia at alay lakad. Inilunsad ng PNP ang national initiatives na ito na suportado ng Rizal-PNP kung saan nag deploy sila ng mga kapulisan sakay ng bisikleta upang pumatrolya sa mga lugar na maaring nangangailangan ng Police Visibility at Police Assistance tulad ng mga simbahan o pook dasalan , ito ay para tiyaking maging ligtas ang paglalakbay ng mga taong makikilahok sa ibat ibang aktibidad ngayong Semana Santa. Kilala ang Antipolo Cathedral na isa sa pinupuntahan ng mga nag-aalay lakad kaya nangangailangan ng karagadagang police visibility na tinugunan naman ng Bisikleta Iglesia. Pangunahing layunin ng programang Bisikleta iglesia ang seguridad ng mga kababayan sa paggunita ng semana santa.