Responsive image

Centenarian from Taytay, Rizal binigyang pagkilala

Nagawaran at tumanggap si Lola Fidela Garcia ng Barangay San Isidro, Taytay, Rizal ng Certificate at 100,000-peso Cash Gift na personal iniabot ni Governor Nina Ricci Ynares bilang pagkilala kay Lola Fidela as Centenarian o mamamayan na may edad 100 pataas. Si Lola Fidela Garcia ang ika-26th centenarian ng Lalawigan ng Rizal. Ang paggagawad ng pagkilala at pagbibigay ng cash gift sa Centenarian ay alinsunod sa REPUBLIC ACT NO. 10868 o Centenarians Act of 2016 kung saan binibigyang pugay ang ating mga matandang mamamayan ng bansa na umaabot ang edad sa 100 para sa kanilang naging ambag sa bansa noong sila ay nasa edad ng kanilang kalakasan pa.
Sa mga Rizalenyong kwalipikado para sa centenarian grant ay maaring makipag ugnayan sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Page: PSWDO Rizal |8256-3000 loc. 6014


 
z