Responsive image

PARAISO NG RIZAL

YES TEAM BUMALIK SA "PARAISO NG RIZAL" PARA MULING MAGTANIM - Muling nagbalik ang YES Team sa tinaguriang "Paraiso ng Rizal" sa brgy. Bagumbong, Jalajala, Rizal para ipagpatuloy ang province-wide bamboo planting activity. Walang-humpay ang pagtatanim ng YES Team sa pangunguna ni Gob. Nini Ynares na layong hikayatin ang lahat ng Rizaleño na makiisa sa pagtatanim na bukod sa nagbibigay proteksyon sa kalikasan ay maaari ding magbigay kabuhayan sa mga mamamayan. Kasama sa pagtatanim sina Bokal Dino Tanjuatco, Konsehal Hector Robles ng Baras, Konsehal Boboy Bernados ng Tanay, Brgy. Captains, BHWs at mga tanod.