Responsive image

8th Antipolo Buntis Summit

Nanganganak na kaalaman, pa-premyo, at kasiyahan ang sumalubong sa atin sa nagdaang 8th Antipolo Buntis Summit sa Ynares Events Center.

Maliban sa mga bonggang giveaways, palaro, at raffle, nakilahok din ang ating mga expecting moms sa lectures kung saan naituro sa kanila ang iba’t ibang breastfeeding techniques, proseso ng birth registration, at ang pagharap sa Postpartum depression.

Bilang isang ina, alam ko ang hirap na dinaranas ng ating mga mommies-to-be sa kanilang pagbubuntis, kaya masaya ako na mayroong ganitong programa para sa kanila.

Salamat Deputy Speaker Robbie Puno, Congw. Chiqui Roa-Puno, Board Member Randy Puno, at Nick Puno sa proyektong ito na tamang tama sa selebrasyon natin ngayon ng women’s month.

Sa ating mommies, nawa’y maging healthy and safe ang inyong pregnancy at ang paglabas ng inyong mga babies.

#8thAntipoloBuntisSummit
#LalawiganNgRizal