Unveiling ng Historical Marker sa tahanan ng ating National Artist na si Carlos "Botong" V. Francisco sa Brgy. Poblacion Itaas, Bayan ng Angono.
Pagkilala ito sa kanyang buhay na nagkaroon ng malaking bahagi sa kasaysayan ng ating bansa at ng ating lalawigan na talagang hindi mapagkakaila lalo na sa larangan ng sining.
Matatandaang nakilala si Botong Franciso sa kanyang mga sikat na obrang-sining tulad ng "Bayanihan", “Filipino Struggles Through History” at “The Fiesta of Angono”. Siya rin ay nabigyan ng posthumous award bilang National Artist for Visual Arts taong 1973.
Tunay na maipagmamalaki ng mga Rizalenyo ang karangalang ito. Dahil noon, at mapa-hanggang ngayon basta pagdating sa larangan ng sining, tayo po ay Taas Noo Rizalenyo.
Thank you also to the National Historical Commission of the Philippines (NHCHP), Angono LGU for making this historic moment happen.
#TaasNooRizalenyo
#BotongFranciscoHistoricalMarker
#LalawiganNgRizal